Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Mga dahilan kung bakit tayo nasasaktan

Lahat ng bagay sa mundo ay may kanya-kanyang kadahilanan. Lalong lalo na kung ito ay tungkol sa pag-ibig. Dahil kapag umibig ka dapat handa kang masaktan, handa kang ibigay lahat. Tiwala, pagmamahal, respeto, oras at iba pa. Ngunit bakit ba tayo nasasaktan? Dahil ba nagmahal tayo? Eh bakit pa tayo nagmahal kung alam naman nating masasaktan lang tayo?
Ang pag-ibig ay pag sinasabi ng isip mo na suko na pero ang sinisigaw ng puso mo ay laban pa. Ang saya sana kung matuturuan ang puso 'no? Mapipili mo ang taong mamahalin mo. Kung pwede lamang sanang turuan ang puso, maraming tao ang hindi masasaktan at iiyak dahil sa pag-ibig, kaso hindi eh..Hindi pwedeng turuan ang puso. Kaya kapag tumibok ito, kahit ayaw na ayaw mo pa sa taong 'yun, sa bandang huli magugustuhan mo siya at mamahalin mo parin siya kahit ayaw mo talaga sa kanya.

Maraming dahilan bakit tayo nasasaktan, pwedeng dahil sa pagkakadapa, pagkasuntok, pagka-untog, pagkahulog sa sahig, pagkasugat at iba pa. Pero hindi ito maikukumpara sa nararamdaman ng karamihan sa atin. 'Yung hindi physical, kundi emotional. At hindi kayang lutasin ng alcohol at band aid lang. 'Yung kahit anong iyak mo ehh hindi mawala-wala. Kahit matulog ka, kinabukasan pagkagising mo andun parin 'yung sakit. 'Yung ang sakit na nang galing sa puso mo dahil nagmamahal ka.




Minsan matatanong mo nalang sa sarili mo na: "Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Ano bang ginagawa ko? Nagmahal lang naman ako ng totoo ahh?" kasi nagmahal tayo. Lahat ng nagmamahal nasasaktan. Tandaan natin yan. Di tayo makakalusot, di tayo makakaiwas. Masasaktan at masasaktan talaga tayo.

Minsan masasabi mo nalang, "sana sinusulat na lang 'yung nararamdaman para madali lang burahin pag nasaktan".. May minsan kasi na ang akala mo okey kana, pero pag nakikita mo siya, nasasaktan ka parin pala. Pero bakit nga ba tayo nasasaktan? Eh kasi umaasa tayo sa mga bagay na wala naman talaga. Kasi nilalayuan ka na niya, nilalapitan mo pa siya. Kasi naghihintay tayo sa mga bagay na hindi naman darating. Kasi minamahal natin ang mga taong hindi tayo kayang mahalin. Kasi iniwan ka na nga, hinahabol at binabalikan mo pa.Kasi tinatatak mo sa isip mo na may pag-asa pa, kahit alam mong wala na. Alam mong niloloko ka lang niya, nagpapaloko ka naman. Pinagmukha ka ng tanga,minamahal mo pa. Oh kaya dahil sa mga taong pa -fall na hindi ka naman pala sasaluhin sa huli. Oh nasasaktan ka kasi, mahal mo parin siya..


Tama diba? nasasaktan ka dahil mahal mo parin siya. Hindi madaling mag move on, alam natin lahat yan, lalo na pag minahal mo siya ng sobra.Kaya dapat iwasan natin yan upang hindi tayo masasaktan.

6 (na) komento: